Mga Maikling Kuwento Wiki
Advertisement

Tauhan[]

Divina: isang babaeng binansagan na pokpok sa kanilang lugar

Lalaki: naghahanap kay Divina

Buod[]

Si Divina ay binansagan ng mga tao na malandi sapagkat lagi siyang "naka-tube" at maikling shorts. Madalas siyang makikain at makinood ng telebisyon sa kaniyang mga kapit-bahay. Ang mga ito naman ay hinahayaan na lamang at minsan pa’y inililibre si Divina sa sinehan sapagkat sial ay naaaliw sa mga dalang tsismis nito. Isang araw ay may dumating na lalaking naghahanap kay Divina. Pagkaalam nito sa kanyang bahay, pinasok niya ito at binugbog ng matagal. Umalis ang lalaki, nang magmamadaling-araw na, at pagkalipas ng isa’t kalahating oras ay lumabas si Divina sa bahay dala ang mga supot ng kanyang damit. Sa pagmamadali nito ay nalaglag ang ibang dala, kaya't aming pinulot at ang naiwan na lamang ay ang kanyang litratong nalaglag sa sahig.

Paksa[]

Ang hindi makatarungang pagtrato sa mga kababaihan (pagbabansag na malandi at pagbubugbog).

Advertisement